Martes, Abril 30, 2013

The Title


"Good morning Ms. HRM!", bungad ng tatay ko paglabas ko sa 'king kwarto. "Lalo ka atang gumaganda pag suot yang vest ah!". Pakiramdam ko tuloy, genius ang tatay ko sa pagsolve ng puzzle. Kasisimula pa lang kasi ng araw ko, binuo na niya (ops, walang kokontra! uso bumanat ngayon, hehe)

Lumakad na ko, feel na feel ang suot kong sapatos na 3-inches ang heels. Bago to, kabibili ko lang nung linggo sa ukay-ukay. Pahirapan pa kong tumawad dun sa ale, P400 daw, original, ibibigay din pala sa presyong P150. Buti na lang. Kailangang magtipid, magastos ang HRM eh, pero kailangang laging presentable.

Magaling magluto, maganda, guwapo, sexy, makapal ang mukha: ilan lamang ito sa mga sikat na tatak naming HRM students. Minsan nga, hinahanapan nila kami ng kutsara't tinidor sa bag..hindi, joke lang.

Well, masyado yata kaming overrated, simple lang naman kaming estudyante. Nagbabayad ng tuition, nakikinig sa diskusyon ng maganda o gwapong teacher sa classroom, naiinip sa boring na ngangsubjectboring pang teacher, nagrereview pag may quiz, para mangopya lang din naman, at kapag wala pang quiz at exams, heto papetiks petiks. Wala namang kaming masyadong pagkakaiba sa estudyante ng ibang course. Nataon nga lang na talagang karamihan sa amin ay magaganda't gwapo (yeah!). Masaya maging HRM student, pero hindi lahat sa amin ay ginusto at pinili ng kusa ang kursong ito. Ang ilan ay inudyukan ng mga magulang, ng mga kapatid, minsan nama'y dahil na din sa praktikalidad ng buhay. Kung ikukumpara nga naman sa ibang kurso tulad ng NursingEngineering at Law, mas madali nang makapaghanap ng trabaho ang isang HRM graduate, wala pang licensure exams.

Hotel and Restaurant Management, kaygandang pakinggan ng kurso namin, diba? Tila baga hinahanda kami sa pagiging manager ng isang hotel o restawran balang araw. Astig! Yun nga lang panira tong usiserong batang kapitbahay namin na sa kasamaang palad ay nakasalubong ko sa daan. Tinanong niya ko (as expected), "Ate, anong course mo?", sagot naman kagad ako, with pride and honor, "H..R..M. Bakit?", samahan pa ng pagtaas ng isang kilay kong drawing. Saglit siyang nagtaka o mas tama 'atang sabihing natakot sa kilay ko bago namutawi sa labi niya ang mga salitang di ko yata malilimutan sa tanang buhay ko, "HRM? Diba cheap na course yun? Waiter yun diba? O kaya tagalinis. Mababang course daw yan sabi ng nanay ko eh". Saglit na katahimikan. Pakiramdam ko ako ang pinakamaliit na specie sa mundo sa pagkakataong yun. I've never been humiliated all my life! Sinira ng bulinggit na to ang araw kong buo na sana kanina. Ah, hindi ako dapat magpatalo. Sinubukan kong ipagtanggol ang course ko. "Excuse me, anong cheap? Alam mo ba ang meaning ng HRM? HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENTManagement, kami ang magiging manager ng malalaking building. Balang-araw magmamay-ari kami ng hotel, ngrestaurant. Hahawak kami ng sandamungkal na pera. Puro nga math ang subjects namin eh. Kaya kung di ka matalino, di ka pwede dun!" Palakpakan. Tameme ang bata sa litanya ng lola niyo. Sakto namang tumigil ang tricycle sa harap ko. Winner! Nasa akin pa din ang huling halakhak, ha! Kaso ang masaklap, pumatol ako sa bata. Paano ba naman kasi, nilait ng diretsahan ang course ko at natamaan ako. Hindi naman kasi sana ako masasaktan kung di ako natamaan. Napakalungkot aminin, ngunit may bahid ng katotohanan ang sinabi niya. Hindi lang ang usiserong batang yun at ang nanay niya ang tumitingin sa HRM as a cheap course. May mga kaklase akong di na tinuloy ang pag-aaral at nagtrabaho na lang safastfood. Rason nila, dun din naman yun mauuwi, graduate ka man o hindi. Pero di ako naniniwala dun. May mga kilala din naman akong mga HRM graduate na managers na ng mga hotel, resort, at restawran ngayon. Sipag at tiyaga, determinasyon at dedikasyon. Gaya ng sabi ko, simpleng estudyante din lang kami, nangangarap umangat, ngunit kung walang pagsisikap, wala kaming mararating.

Sabi sa akin ng bestfriend kong si Gail, wala siyang kainte-interes sa pagluluto, napakamahiyain pa niya, kung bakit naman daw siya inenrol ng madir niya sa kursong ito. Noong una, ilang ang lahat sa kanya. Laging tahimik, hanggang dumating ang araw na naging kaibigan ko siya. Nalaman kong iyakin siya nung kinder, no boypren since birth, and lastly, pinilit lang siyang mag-HRM. Pero habang tumatagal, nasaksihan ko kung paano niya mahalin ang kursong ito. Nagkainteres siyang magluto, magtravel, magpaganda. And yes!Lumitaw nga ang kanyang kagandahan, nagkaroon siya ng mga manliligaw, at sinali siya sa mga beauty pageants. Actually, siya nga ang former Ms. HRMChampion din siya sa Ms. University. Pagdating talaga sa pagandahan, nangunguna kaming HRM students. Hindi lang yun, the best din kami sa pagde-decorate at pagseset-up ng location at events sa school. Minsan nga, hinire pa kami para magtable set-up sa kasal. Bongga! Bukod sa binayad samin,to the highest level pa ang tsibog. The best talaga ang HRM. Kaya wag nilang sabihing tagalinis at tagaluto lang kami coz that's only a piece from our wide variety of skills. Balang araw, magluluto kami para sa libu-libong customer ng aming sariling restaurant, at hotel na namin ang lilinisan ng daan-daang housekeeping attendant. Tawagin niyo na kaming ambisyo't ambisyosa, alam naman nating lahat na kahit kailan, hindi naging masama ang pag-aambisyon.

Oops, nandito na pala ko sa HRM building. Di ko namalayan ang oras, late na yata ako. Katakut-takot na namang sermon ang aabutin ko sa teacher naming may sungay na ata sa sobrang pagka-terror. Sarado ang pinto, patay! May quiz ata, di ko naalala dahil busy sa praktis, at di ko rin naman maasikaso magreview sa sobrang puyat kagabi, kakareply ng"thanks" sa lahat ng nagtext sakin.

Ah, bahala na. One, two, three. Sa pagbukas ko ng pinto, mukha ng halimaw, este ngterror teacher ko at ng aking mga kaklase ang aking nabungaran at nagkakaisang tinig na sinabing, "CONGRATULATIONS, OUR NEWLY CROWNED MS. HRM!" For a very unexpected moment in my life, I saw a monster turned into a very beautiful angel. Naks naman.. wait! Moment ko nga pala to, hindi dapat ang teacher na to ang pinupuri ko. Ako na nga pala ngayon ang may hawak ng title. Ako na! Me already! Ansabeeeeeh?